Archive for April, 2007

God is good…Shirly’s supposedly first chemo scheduled last April 26 was postponed due to her low blood count which falls down to 52…she was brought immediately at PGH’s .E.R. for blood transfusion and was advised for blood transfusion (5bags) …Sobrang daming challenges that day for Shirly but knowing my sister…she’s really fighting it very well..though there are really times na she just cant hide ung pain that she’s experiencing ..(just imagine how she went thru sa E.R. we had to wait from 12noon till 5pm bago kami makahanap ng stretcher for her to lie down..Thank God for the wheel chair na pinahiram samin..thru Soki’s help)coz currently medyo nagkaroon ng enlargement ng tummy nya which was accdg to her doctor eh normal lang especially sa condition nya na merong nakitang konting maliliit na bukol sa liver nya..but again WE know with God’s grace Nothing is impossible..We’ll Keep The FAITH…By Sunday Shirly was advised for discharge and she was scheduled again on Friday May 4,2007 to have her 1st chemo…she still needs to take the pre medication 3days prior to her chemotheraphy para hindi masyadong nyang ma experience ung effects n chemo..which if wre not careful can cause death sa patient…Again to all of you thank you very much  for everything for your prayers..we know that you’re with us youre with shirly all thru this and Please continue to Pray for her…God is good !!!and in time I know We’ll all witness Shirly’s recovery…Nothing is impossible with God…Many thanks again to Soki, mayet and Cris and her husband..your mere text messages really gives us Strength  esp those times na pati ako natataranta na rin…and its so humbling and heartwarming to know na andyan kayo to give support …many Thanks…

God bless !

Comments No Comments »

i cant help but be amazed by God’s grace …sobrang napakabuti nya talga samin..(even if we’re not worthy of it)…Shilry will have her first chemo on April 26, 2007, 8:30 PGH Breast care center…and im set to call back on  wednesday, April 27 sa PSCO to follow up if her medicines for her 2d chemo are all ready for pick up…indeed God is Good and that He will make a way…again all these would not be possible without all her batchmates/classmates and friends…True enough Prayers can move mountains..again Thank you very very much..Ill never get tired of Thanking you…for all of these…

God bless!!

Comments 2 Comments »

"God will make a way where there seems no way"…one of my fave lines…And My family and I are all living witness of these…

God will truly make a way…weeks before i sent an email  to one of my friend/classmate, May Mamangun,..i prayed to God na sana He’ll blessed me to find a way for Shirly’s Chemotherapy…during that time we really dont know kung san kami kukuha ng funds para mapachemo si Shirly and with God’s wisdom i finally found myself sending email to May…and in just a few days nagreply agad si May…and after weeks …we’ve been receiving calls and text messages from Shirly’s batchmates #@ PUPLHS…and God’s blessings continously poured on us…(never ending)..text messages from Shirly’s classmates based in Singapore(which i mentioned in my previous blogs), Ruel Enriquez, Mayet.. Ritchel..Cris (and her husband who came as far as montalban to visit shirly and pray for her)..tina Castillo.Herminio Soki to name just a few……As of writing…ive already secured funds for shirly’s first chemo scheduled either monday or thursday next week(April 23-26)..of course thru the help of Shirly’s batchmates…and by monday im scheduled to go back sa PCSO for my interview for Shirly’s 2d chemo…thru Tina Castillo’s help..Indeed God is Good and We’llmake a way for everything ..As long as there’s hope …as long as we keep on believing and have that Faith In "HIM" …if i my memory serves me right I remember soki telling me even people from  PUPLHS Batch 67 extend their interest in helping Shirly…Again To all of you…to Shirly’s batchmates/classmates/friends..MARAMING..MARAMING …MARAMING SALAMAT…The road to shirly’s battle against CANCER  is never easy..in fact its very,very difficult and painful but with your kind heart and prayers…She”ll Give CANCER  A GOOD FIGHT!!

Again..Thank you very much…God is Good and I know in my heart All of the things that you’ve done to shirly will be given back to you a hundredfold…Salamat ulit para maging instrumento kayong lahat para madugtungan ang buhay ni Shirly…

I’ll make sure to keep you posted for every detail and ill make sure to email you all the (medication) expenses as well as the funds that we receive from you guys…

My heartfelt Gratitude to all of you!

Edith Fallaria

Comments 1 Comment »

Shirly and our family wants to extend our heartfelt thanks to Ruby, Agnes, Celeste, Eugene, Alfredo and David for the money that they sent to Shirly…Salamat ulit it means a lot to her as we are now preparing for her chemotheraphy  though were stil short of funds but with God’s help were almost there…

Same goes to Soki for making an effort  to call me and really finding  ways and means to help us ..To rithchel…mayet and to everybody whose been trying to call and reach shirly ..I tellyou guys it means a lot her …..

THANK YOU VERY MUCH!!!

Comments No Comments »

GOD WILL MAKE A WAY!!!as my sister, Shirly, continues her battle against cancer..Let this space be Our  means of THANKING everybody for making their way and helping us out (financially and most importantly thru prayers). Indeed everyday is a gift and that each day is a miracle from God..Let me thank our batch mates from P.U.PL.H.S.,May Mamangun for making her way to let our batch mates know Shirley’s condition …Ruel Enriquez for being the first one to call Shirly, Tina Castillo,Ruby, Agnes, Celeste, Eugene,Alfredo and David and for those people that i haven’t mentioned…God knows how Sincerely thankful we are for your help and most importantly for giving  Shirly a chance to LIVE..Its been a tough journey for Shirly but As we keep on Saying God is more powerful than any sickness or any cancer in this world and  with your help we know in Gods name She’ll MAKE IT!!!

Words are really not enough to express our gratitude to all of you…THANK YOU!!! and hopefully by next week Shirly Will have her first of 3 chemotherapy…we know you are with us in prayers…

Comments No Comments »

Ive come across this wonderful speech delivered by Ms Carla Paras-Sison, a cancer survivor….Its been almost 2yrs since my sister Shirley or Jing to our family when we found out that she has breast cancer…Mahirap, masakit isipin na sa edad 28 ay magkakaroon sya ng Cancer..I truly admired her..Since that time there on until now..her unwavering  faith in God never falter…..naalala ko ung unang araw na nalamn nya na meron syang cancer…nagpunta agad sya sa parlor para lang magpakalbo….sbi nga nya duon na din naman papunta yun..mabuti pang unahan na nayang tanggalin ang buhok but at the same she stays beautiful…She’s been very very tough…she needs to be tough para sa mga tatlong anghel sa buhay nya..si lawrence, kukan at si moi-moi…she’s been battling the BIG C with so much strength and at the same time hope and faith that whatever Happens God is in Control of everything….gaya ng salaysay ng isang kanser survivor


Ang Dalawang Mahalagang Natutunan Ko Sa Kanser
By Carla Paras-Sison (searched thru www.icanserve.com)

"and CANCER AY Hindi  isang hatol ng kamatayan. Ito ay isang natatanging paraan upang mabuhay ng maligaya ang isang ordinaryong tao, habang tapat na naglilingkod at nagmamahal sa kapwa at sa Panginoon.

Delivered at ICANSERVE’s Silver Linings closing session, “Stories of Hope”, 25 September 2005, EDSA Shangri-La Hotel Garden Ballroom.

Ako po si Carla Sison. Ordinaryong empleyado. Tulad ng marami sa atin, kailangan ko ring kumayod upang mabuhay ang aking pamilya. Eto po ang aking SSS ID, eto ang aking driver’s license. Ang asawa ko po ay editor sa diyaryo. Ako po ay manunulat at nag-aaral sa gabi para makakuha ng MBA. Dalawa po ang anak namin. Hindi pa po namin naranasang magbakasyon sa ibang bansa. Ang bahay namin ay nakasanla sa Pag-IBIG, 25-year loan.

Ordinaryong pamilya lang po kami. Wala kaming kamag-anak na milyonaryo. Wala kaming ipon ni isang kusing sa bangko, dahil ang kinikita namin, tama lang para sa pang-araw-araw na gastusin at upang makapagbawas ng utang.
Nang malaman namin na may kanser ako, siyempre alam na kaagad naming hindi ako makakapagpagamot kung sariling kita lang naming mag-asawa ang aming aasahan. Kaya naman hindi kami tumanggi ng magkusa ang isang kaibigan na tulungan kaming ‘mamalimos’ sa mga kaibigan at kamag-anak.

Gumawa siya ng website para ipaalam sa mga kakilala namin na ako ay nagkasakit at sobrang mahal ng pagpapagamot na hindi namin kakayanin ng walang tulong mula sa kanila. Binigyan ko siya ng 150 email addresses—mga kaklase mula high school, college, graduate school, mga kamag-anak ko at ng mister ko, mga dati naming ka-opisina. Sinulatan niya silang lahat at ang sinabi lang niya sa email, kung kilala mo si Carla, you can help her. Visit the website, www.ourownlittleway.org


Carla Paras-Sison

Kaya ang unang natutunan ko mula sa dagok ng kanser sa aking dibdib at sa aming buhay ay: Marami palang taong nagmamahal sa akin at sa aking pamilya. May silbi pa kami sa mundo dahil nagbigay sila ng pera para makapagpagamot ako. Nag-abuloy sila para mapondohan ang aking chemotherapy, radiotherapy, gamot, lab test, etc. etc.

Mahigit isang daang tao sila, mga taong hindi ko nakikita sa loob ng matagal na panahon, mga taong nakalimutan ko na kung saan ko nakilala. Halos isang milyong piso ang nalikom na salapi. Mga donasyon mula limang daang piso hanggang isang daang libong piso bawa’t isa.


"Gusto kong ipakita sa mga anak ko na kahit wala sa kamay ko ang oras ng aking pagpanaw, nasa kamay ko ang bawa’t sandali habang ako’y nabubuhay. "
Noong Hulyo, nalaman sa aking regular check-up na kumalat na pala ang kanser sa ibang bahagi ng aking katawan. Ayon sa statistics, ang Stage 4 breast cancer patients ay may 16% chance ng survival up to five years. Ibig sabihin, tatlo lamang sa bawa’t dalawampu ang mabubuhay ng hanggang limang taon. Pero ito ay base sa nakaraang karanasan. Naniniwala ako na ang nakaraan ay hindi ko dapat gamitin para italaga ang mangyayari sa hinaharap.

Kaya ang pangalawa kong natutunan sa pagkakaroon ng kanser, ay maaari palang mabuhay ng may kanser. Para lang itong hika o diabetes, mga karaniwang sakit na matagalan ang gamutan. Pero lahat ng biktima ay maaari pa ring makapamuhay ng may dangal at kabutihan ng puso.

Nang malaman ng panganay kong anak, Grade 5 na siya, na kailangan ko ulit ng panibagong gamutan, sumama ang loob niya. Sabi niya, “Di ba Ma, magaling ka na? Di ba nagamot ka na?” Kaya ikinumpara ko na lang sa sipon ang kanser. Gumagaling ka sa sipon, pero nagkakasipon ka uli. Minsan may sintomas, minsan wala. Minsan mahirap huminga, minsan hindi.

Noong mga panahong iyon, halos araw-araw akong tinatanong ng bunso ko, Grade 1 naman siya, “Mama, mamamatay ka na ba?”

Siyempre, hindi napapanatag ang loob ng mga bata hangga’t ginagamot ako, pero kailangan din nilang matuto ng kanilang sariling mga leksiyon. At sila na mismo ang sasagot sa mga iba pa nilang katanungan. Nakakadurog ng puso at labis na nakakapagod kung iisipin ko pa ang nararapat na sagot sa lahat ng kanilang mga agam-agam.

Last year, tumigil ako sa pag-aaral para makapagpagamot. Ngayon, tuloy lang ako kahit muli akong ginagamot. Ayoko ng huminto ang buhay. Gusto kong ipakita sa mga anak ko na kahit wala sa kamay ko ang oras ng aking pagpanaw, nasa kamay ko ang bawa’t sandali habang ako’y nabubuhay. Kaya dapat mabuhay ako ayon sa mga pagkakataon, biyaya at mga pagpapalang ibinibigay sa akin ng Panginoon.Sa totoo lang, handa na akong mamatay. Updated na ang insurance ko. Pag namatay ako, mababawasan ang mga utang na maiiwan ko sa asawa ko. Sinabi ko na rin sa kanya na gusto ko ng cremation. Pero hangga’t may pagkakataon, lagi kong pinipiling mabuhay.

Uma-umaga, nagpapasalamat ako sa Diyos sa isa pang araw upang makapiling ang aking asawa at mga anak, isa pang araw para magtrabaho, mag-aral at mag-badminton, isa pang araw para makakuwentuhan ang mga kapatid ko sa ICANSERVE Foundation at ICANSERVE Message Boards (www.icanserve.net), isa pang araw para mag-aruga sa mga taong nakapaligid sa akin, isa pang araw upang magmahal at maglingkod sa aking kapwa.

Gusto kong mabuhay ng masaya at puno ng pag-asa, gusto kong mapuspos ang mga sandali ng tunay na pasasalamat at pagtitiwala sa awa at pagpapatawad ng Diyos. Hindi ako laging matagumpay sa pagsisikap kong ito. Pero magpupursige pa rin ako, at laging magiging handang mamatay sa pagpupunyagi na maging isang alagad ng mga Banal na Hangarin

To summarize, ito po ang dalawang pinanggagalingan ng pag-asa o ng Silver Lining sa buhay ko:

Una, ang kaalamang maraming taong nagmamahal sa akin at sa aking pamilya. Kahit mawala na ako ngayon, bukas, sa makalawa, panatag ang loob ko dahil sigurado akong hindi pababayaan ng Diyos at ng aking higit isang daang donors ang aking asawa at mga anak.


Si Carla at mga anak niya si Gino at Dana

Pangalawa, maaaring mabuhay ng may kanser. Hindi ito isang hatol ng kamatayan. Ito ay isang natatanging paraan upang mabuhay ng maligaya ang isang ordinaryong tao, habang tapat na naglilingkod at nagmamahal sa kapwa at sa Panginoon.

Salamat po.

At sa mga pamilyang me kapatid asawa o anak na me kanser..ipagpatuloy pa rin nating labanan ang Kanser ..patuloy tayong maging matatag at magdasal…"God is still more powerful Than any disease or cancer "

Comments No Comments »